Friday, November 27, 2020

Bakit Natin Kailangan ang Mga Bayani sa Ating Panahon?

Ang konsepto ng “bayani” ay galing sa mga sinaunang Griyego. Galing ang konseptong ito sa sinaunang kataga ng mga Griyego na nangangahulugang “tagapagtanggol”.  Para sa kanila, ang isang bayani ay isang nilalang na nakagawa ng isang bagay na sobrang labas sa karanasan at pangunawa ng mga karaniwang tao, kung kaya’t nang siya ay namatay, nakapagiwan siya ng isang ala-alang di malilimutan.

Dahil sa ala-alang ito, ang isang bayani ay sinasambang parang isang diyos. Ayon pa sa mga  Griyego, ang pagiging isang bayani ay katumbas ng pagpapalawak at pagpapadami ng kung ano ang kayang gawin ng mga ordinaryong nilalang.

Marami sa mga bayaning-diyos ng Gresya ay nakatulong sa sangkatauhan: kagaya nina Hercules, ang ang mamamatay-halimaw, si Asclepius, ang unang doktor, si Dionysus, ang diyos ng alak, mayamang anihan, pagdiriwang, at ng prutas at gulay.

May mga bayani rin ang mga Griyego na hindi diyos. Si Odysseus, ang hari ng Ithaca at sentrong karakter ng epikong tulang Odyssey ni Homer, ay hindi diyos, subalit siya ay tinuturing na bayani ng mga sinaunang Griyego. Para sa kanila, kinakatawan ni Odysseus ang mga kabutihan at katangian na malapit sa puso ng lipunang Griyego, bukod sa pagiging modelo niya ng kabutihan  na dapat tularan ng buong Gresya.

Marahil ay sa “modernong” mundo natin ngayon, wala na ang mga halimaw na kinatakutan ng mga sinaunang lipunan, pero masasabing kailangan pa rin natin ang inspirasyon ng mga bayani. Sa panahon ngayon, ang mga bayani natin ay mga sundalong nagpakita ng katapangan sa digmaan, o kaya’y mga astronauts na ginalugad ang kalawakan.

Bayani rin para sa atin ang mga siyentipikong nakatuklas ng mga panagip-buhay na gamot, mga taong naglilingkod sa mga mahirap at kapus-palad, at mga aktibistang lumalaban sa kawalan ng katarungan sa lipunan. Kung kaya’t walang pingkaiba sina Albert Einstein, Alexander Fleming, Jonas Salk, Mother Theresa, Jose Rizal, at Ninoy Aquino, kay Odysseus. Kung paano dinakila ng mga sinaunang Griyego si Odysseus, ay ganoon din ang pagdakila natin sa mga modernong bayani.

Pagbibigay Kahulugan sa Ating mga Ambisyon at Pangarap.

Kailangan natin ang mga bayani sapagkat binibigyang kahulugan nila ang ating mga ambisyon at pangarap. At ang ating mga ambisyon at pangarap naman, katulad ng tapang at dangal, ay nagbibigay kahulugan sa ating mga buhay.  Higit pa dito, kinakatawan ng mga bayani ang mga katangian na gusto nating maging at mga layuning gusto nating matupad.

Kailangan natin ang mga bayani sapagkat sila ay huwaran ng katapangan at kayang mamuno sa ating lipunan. Dagdag dito, ang mga bayani ay handang itaya ang kanilang buhay, at ibuwis ito kung kailangan. Hindi sila nangingiming humarap sa panganib matupad lamang ang isang mithiin. Hindi ginagawa ito ng ordinaryong tao, kayat kung nakikita nila ito na ginagawa ng isang bayani, humahanga ang madla at sumusunod sa liderato ng tinurang matapang na tao.

Maraming naniniwala na ang sandigan ng ating lipunan ay ang pagpapahalaga sa ating mga bayani. Ito ang dahilan kung bakit ang ating gobyerno at pribadong sektor ay masugid na kumikilos upang tiyakin na ang mga taong kumakatawan sa kabutihan ng ating lahi, walang dili iba kundi ang ating mga bayani, ay iniluluklok sa pedestal at binibigyang puri.

Ang isang bayani ay sinumang pumukaw sa iba. Ang katagang ‘bayani’ ay pareho ang kahulugan  sa "pinuno" – pareho silang nakakaimpluwensya ng kanilang kapaligiran at karaniwa’y nagsisilbing huwaran sa iba. Ating pansinin na ang mga bayani at pinuno ay kapwa hindi nangangailangan ng isang partikular na puwesto sa kapangyarihan, o kaya’y sa pamahalaan.

Halimbawa, sa pelikulang “Superman” ang bayani ng Lungsod na Metropolis ay ang “Man of Steel” kahit hindi siya pormal na bahagi ng gobyerno, kagaya ng pulisya.  Kung gayon walang pormal na pamagat o titulo na kailangan ang mga bayani. Ang kabayanihan niya ay sumisibol mula sa mga kilos niya at hindi mula sa mga titulo kagaya ng “Dr”, “Atty”, o “Engr”. Sabihin pa ba, ang isang tunay na bayani ay iyong magaling umaangkop at tumugon sa kapaligiran kung saan kinakailangan siya.

Ang mga pinuno ng mga samahan ay nagiging bayani sapagkat nakakatulong sila upang maging modelo ng mga wastong gawi at pamamaraan. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pagsasa-praktika ng mga pag-uugali at  tradisyon ng organisasyon. Ang mga indibidwal na ito ay maaaring magkaroon ng anumang pamagat o titulo sa anumang antas o lebel ng organisasyon. Nagiging bayani sila kapag ang kanilang mga aktibidad ay pinag-uusapan na sa lawak ng samahan hanggang maging halos alamat na sila.

Maraming mga samahan ang naghahayag tungkol sa kanilang  mga bayani upang maituro nila sa iba pang samahan kung ano ang nararapat at inaasahan sa kanila. Ang mga kuwentong ito ay nakatuon sa huwarang mga ugali at sakripisyo ng mga bayani.

Nakatanim sa Kultura Natin ang Buhay ng mga Bayani



Ang mga salaysay, at ang mga mithiing pinanindigan ng mga bayani, ay nakatanim sa kultura ng isang samahan. Sa Unibersidad ng Pilipina (UP), madalas naming ikinukwento sa aming mga estudyante ang kabayanihan ng mga aktibista noong Batas Militar ni Marcos, sapagkat maraming kabutihan at mabuting asal ang mapupulot mula sa kanilang buhay.

Sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga kuwentong ito, ang pamunuan ng UP ay naghahatid ng mga ideyal na inaasahan nila na isasabuhay ng mga mag-aaral at kaguruan ng Pamantasan. Sa gayon ay lumalakas at nagiging dakila ang ating pangkalahatang kultura.

Bagaman hindi kinakailangan ang mga titulo upang maging isang bayani, madalas ang mga nagtataglay ng pormal na awtoridad ay nagigin bayani sa mata ng iba. Halimbawa, bilang isang General Manager, dapat tantuin na siya’y isang bayani ng samahan dahil sa ang kaniyang titulo ay pinapanood ng mga tao na kaniyang pinamumunuan. 

Binabago ng isang General Manager ang kanilang pag-uugali upang umakma ito sa mga panuntunan ng samahan. Ginagawa niya ito sa pagmomodelo ng mga wastong aksyon. Dahil dito, ang mga tagapamahala ay may malaking responsibilidad na tuparin ang kanilang tungkulin sa pamamagitan ng pagkilos na may integridad.

Ating tandaan na ang isang tema sa unang labas ng pelikulang “Spiderman” ay nangangaral na  "kasama ng malaking kapangyarihan ay ang malaking pananagutan".  Bilang isang General Manager, na may pormal na titulo, inaasahan ng balana na ika’y kikilos nang may etika at alinsunod sa pinakamataas na pagmamalasakit sa samahan.

Sa pelikulang animated ng Disney, ang "Hercules", ang mga tauhan ay nagdadalamhati sa kakulangan ng mga bayani. Upang tugunan ang pangangailangang ito, nagsanay at nagsikap si Hercules na maging isang kampeon na tutugon sa mga pagsusumamo ng mga tao na biyayaan sila ng mga bayani.

Nakakamangha na kung paano nabubuo ang mga bayani sa mga opisina, pabrika, o kaya’y digmaan ay katulad sa paglitaw ni Hercules bilang isang bayani sa mitolohiya. Bilang karagdagan sa pagpapatampok ng mga kwento tungkol sa kabayanihan, ang mga organisasyon ay nagdaraos ng mga programa upang sanayin ang mga may potensyal sa kabayanihan na kawani o kasapi upang malaman nila ang kanilang mga kalakasan, kahinaan. Ang layunin ng mga pagsasanay ay ang makaimpluwensya ang mga mahuhusay na taong ito sa karamihan at kalakhan ng samahan.

Ang mga degree sa pagnenegosyo, tulad ng ‘Master of  Management’ (MM) o ‘Master of Business Administration’ (MBA) ay isa pang paraan kung saan ang mga organisasyon ay nagkakaroon ng mga bayani. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga kwalipikadong empleyado sa pormal na mga programang pang-akademiko, kagaya ng UP.

Ang mga Bayani ay Itinuturo sa Paaralan Bilang Huwaran

Lahat ng mga programa ng pagsasanay sa negosyo na pang-akademiko ang nagtuturo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga huwaran, katulad ng mga bayani. Maaaring matuto ang mga tao na kumilos nang may etika sa pamamagitan ng pagmomodelo ng kanilang pag-uugali at asal mula sa isang positibong huwaran.

Sa aking pang-graduate na kursong ‘Human Behavior in Organizations’, ang mga mag-aaral ay nagsusulat ng term paper kung saan pumipili sila ng isang desisyon ng management sa negosyo at pinagaaralan nila kung ito ay etikal o hindi. Ito ay sa pamamagitan ng pagtatalakay sa desisyon sa loob ng ilang magkakaibang konteksto. Ang layunin ko dito bilang guro ay upang kusang maisip ng mga mag-aaral na mag-isip ng mga desisyon na sila mismo ang gagawa kapag pinuno na sila ng negosyo sa tunay na buhay.

Ang diskarteng ito ay ginagamit din sa maraming paaralan sa pagnenegosyo kung saan   ipinakikita sa mga pag-aaral ang mga ‘case studies’ upang pag-aralan kung ano ang positibo o negatibo tungkol sa mga desisyon ng isang pinuno ng negosyo. Ang mga nasabing ‘case studies’ ay nagbibigay sa mga mag-aaral ng mga huwaran o bayani sa pagnenegosyo na sana’y magpapatibay ng mga positibong pag-uugali ng mga pinuno ng mga korporasyon, maliit man o malaki.

Tinuturuan ang mga mag-aaral na iwasan ang mga negatibong pag-uugali na tatalakayin sa mga ‘case studies’ sa kanilang sariling praktika. Pinaaalahanan sila ng mga guro sa mga hindi kanais-nais na aksyon upang maingat nilang maiwasan ang mga ito sa mga aktuwal na sitwasyon, kung saan mahirap bawiin ang mga kamalian. 

Higit sa lahat, tinuturuan silang magpaka-bayani. Ang mga ‘case studies’ ay hitik ng mga sitwasyon ng kabayanihan, ang paggawa ng mga mahirap na aksyon upang masolusyonan ang maraming komplikadong problema.

Sa araw-araw na buhay, ang mga bayani ay napakahalaga.  Maging sila man ay nagbibigay ng aliw, atleta, pulitiko, o pampublikong pinuno, ang mga bayani ay nagsisilbi ng isang layunin sa ating lipunan. Tumutulong silang bigyan ang mga tao ng pag-asa, at nagbibigay sila ng wastong halimbawa para sa tagumpay.

Ang ilang mga bayani ay nakapagkukuwento ng kanilang tagumpay sa publiko. Sa ganitong paraan, natutulungan nila ang mga ordinaryong tao na makita ang mundo sa tumpak na mga pamantayan. Sa pamamagitan ng kanilang marubdob na hangarin na magtagumpay, ang mga bayaning ito ay nagbibigay ng paliwanag at pag-unawa, kung paano nila binuo ang kani-kanilang mga talento.

 Pakikiramay o ‘Empathy” ang Pangunahing Katangian ng Isang Bayani

Sa kongkreto, ang mga bayani ay ang mga sumusunod na tao: mga kusang kumilos para maglingkod sa mga nangangailangan, maging ito man para sa isang indibidwal, isang pangkat, o isang pamayanan; mga gumawa ng aksyon nang walang anumang inaasahang  gantimpala o pakinabang at; mga kumilala at tumanggap ng  panganib o sakripisyo at sa proseso ay nagpamalas ng kagitingang ginagawa lamang ng mga bayani.

Tungkol naman sa mga katangian ng mga bayani, ito ang mga sumusunod: matapang, naninindigan, mapagpasiya, matulungin, matapat, masigla, integridad, mapagtanggol, masakripisyo, at hindi makasarili.

Ayon sa ibang mananaliksik, ang pakikiramay o ‘empathy’, ang pangunahing katangian ng kabayanihan. Ang pakikiramay sa ganitong konteksto ay ang kakayahang maunawaan ang emosyon ng ibang tao, at kaakibat dito, ang kakayahang isipin at maramdaman kung ano ang iniisip o nararamdaman ng ibang tao.

Ang mga taong ito ay hindi nagaatubiling tumulong sa iba sa harap ng panganib o kahirapan.  Tumutulong sila sapagkat sila ay tunay na nagmamalasakit sa kaligtasan at kagalingan ng ibang tao. 

Halimbawa nito ay ang mga “frontliners’ na mga doktor, nars,  at iba pang mangggawang pangkalusugan na nagaalaga ng mga pasyenteng may Covid-19 sa mga ospital. Kaugnay dito, isang pag-aaral noong 2009 ang nakatuklas na ang mga taong may mga tendensiyang magpakabayani ay mataas din ang antas ng pakikiramay o ‘empathy’.

Ang Isang Bayani ay Nagpapamalas ng Lakas ng Loob

Ang isang bayani ay sinumang maaaring magpakita ng lakas ng loob kapag nahaharap sa isang problema. Ang bayani ay taong nakakatulong sa iba`t ibang paraan. Ang isang tao ay maaaring maging isang bayani sa pagliligtas sa kapwang  nasa panganib. Isa pang halimbawa ng bayani ay yaong tumutulong sa iba upang bigyan sila ng lakas na magpatuloy sa harap ng mga paghihirap sa buhay.

Ang isang bayani ay maaaring isang taong nagbigay ng kanyang buhay upang ang iba ay mabuhay. Sa aking palagay ito ang pinakamataas na antas ng kabayanihan. Ganunpaman, ang isang bayani ay hindi palaging kailangang ipakita ang tapang. Maaari siyang matakot ngunit maging isang bayani pa rin. Nakasalalay sa kaniyang pagkilos, may takot man o wala, ang kaniyang pagkabayani.   

Hindi Kailangan ang Kawalan ng Takot Upang Maging Bayani

Naniniwala ako na ang mga bayani ay hindi kailangang walang takot para maging isang bayani. Malamang, karamihan sa mga bayani ay may takot sapagkat sila ay tao tulad ng alin man sa atin. Ngunit nararamdaman nila ang isang obligasyong moral. Isang tinig sa loob nila ang nagsabi na kailangang kumilos may takot man o wala.

Maraming beses nang pinag-uusapan na ang mga bayani ay nakaramdam ng takot sa oras ng kabayanihan o pag-alay ng buhay. Ngunit masasabing mayroon silang ibang uri ng sobrang lakas o kalooban na nagtutulak sa kanilang kumilos o gawin ang dapat nilang gawin.

Maaari ding maging mga bayani ang mg guro o tagapayo sa paaralan. Maaari ka nilang turuan na magbasa o magsulat at sa proseso ay nagkakaroon ng malaking pagkakaiba ang iyong buhay. Hindi mo pahahalagahan o tatanawin ang serbisyong ito hanggang  ikaw ay matanda na at nagsisimula nang manalamin ng iyong buhay.

Kung Wala ang Kabayanihan ng mga Guro

Maupo ka at limiin mo na kung wala ang guro na nagturo sa iyo kung paano bumasa at sumulat ay hindi ka makapunta sa kolehiyo at makakakuha ng trabaho. Ang milyon-milyon na kaguruan ang mga bayani na hindi napapansin araw-araw at hindi nakakakuha ng pagkilala na nararapat para sa kanila.

Gayundin, pansinin natin ang mga taong naghahatid at sumusundo sa mga bata araw-araw sa paaralan, ang mga drayber ng bus o ‘service’ ng paaralan. Nasa kamay nila ang buhay ng mga maliliit na bata limang araw sa isang linggo. Dinadala nila sila sa paaralan sa umaga at hinahatid sa bahay sa hapon o sa tanghali.    Para sa akin, ang mga ganitong drayber ay mga bayani. Bayani sila na nakakaepekto sa buhay ng mga maliliit na bata na siyang lalaki at tatanda upang maging mamamayan ng Pilipinas.

Maituturing din na mga bayani ang mga taong nagpakita ng pag-uugali at pagpapasya ayon nakamamanghang etika at emosyon. Nakikita natin sa kanila ang isang bagay na sa palagay natin ay wala sa atin. Iniisip natin na hindi natin kakayanin, kailanman, sa ilalim ng anumang kondisyon, ang mga pagkilos o desisyon na ginawa nila. Dahil dito, inilalagay natin sila sa isang mataas na lugar sa lipunan o sa ating mga isipan.

Ang mga Bayani ay Nagtutulak sa Ating Kumilos

Ano ang isang bayani? Isang taong nagtutulak sa atin upang kumilos o magpasiya, dahil sa kanilang halimbawa. Sila ay mga tao na tumutusok sa ating emosyon at tayo nama’y nagkakaroon ng espiritwal na koneksyon sa kanila na parang nabubuhay pa rin sila. 

Maaaring gusto nating iidolo sila o ilagay sila sa mataas na paggalang. Maaaring gusto nating makasalimuha sila nang personal upang makamit ang kanilang lakas, talento, at kadakilaan.  

Ano ang partikular na ginagawa ng isang bayani na lumilikha ng inspirasyon sa atin? Ano ang tungkol sa kanila na gumagawa sa atin na humanga, sambahin o subukang gayahin sila? Sa maraming mga kaso, ito ay ang kanilang mga nagawa. Walang kapalit ang aksyon bilang tagapagpakilos ng lipunan.

Halimbawa, ang isang mahusay na manlalaro ng basketball katulad ni Michael Jordan ay nakagagawa ng mga kamangha-manghang mga record sa puntos, ‘rebounds’ at ‘assists’. Dahil dito, agad nating natutukoy na nagtataglay sila ng isang kadakilaan. Sila ay nagiging idolo o diyos natin. At kapagdaka, sila ay nagiging personal na bayani natin.

May Bayani sa Loob Nating Lahat

Ganito rin ang epekto sa marami ni Princess Diana, na ginawaran ng titulong ‘Prinsesa ng Bayan’. Sinasamba siya ng mundo sa kanyang pagsikat mula sa isang simpleng batang babae tungo sa isang babaeng kinikilala at itinatangi na simbolo ng kabutihan.

Nakakakonekta ang marami sa kaniya, dahil sa ang kaniyang katauhan mismo ay kumokonekta rin sa sanlibutan, sa isang   kagila-gilalas na paraan. Ang kaniyang halimbawa ay nagpatunay sa marami na ang mga ‘fairy tale’ ay nagkakatotoo sa modernong panahon. Sabihin pa ba, si Princess Diana ay isang bayani sa napakarami.

Sa pagtatapos, hindi na tayo dapat lumayo sa paghahanap ng mga bayani. Hindi na rin tayo dapat magpakahirap sa paghahanap ng depinisyon. Naniniwala ako na mayroong tayong isang bayani sa loob nating lahat. At hindi na ito dapat bigyan ng depinisyon sapagka’t ito’y nadarama natin sa damdamin natin.   

Pinapanatili niya tayong tapat, nagbibigay siya sa atin ng lakas, ginagawa niya tayong marangal, at sa kahulihulihan ay pinapayagan niya tayong mamatay nang walang pagsisisi. Kahit na minsan o ilang beses sa ating buhay ay kailangan nating maging matatag, at isuko ang mga bagay na pinaka-nanais natin. Pati ang mga pangarap natin. Iyan ang tunay na kabayanihan.

Friday, November 6, 2020

Heneral Anacleto “Lolo Etoy” Enriquez: Bayani ng Rebolusyong Pilipino

           



            Isinilang si Anacleto Enriquez noong Setyembre 25, 1876 sa San Jose, Bulakan, sa malaking tahanan ng kaniyang mga magulang, sina Don Vicente Enriquez y de Jesus at Donya Petrona Sepulveda Fernando y Gatmaytan.

Siyam ang anak nina Don Vicente at Donya Petrona: anim na lalaki at tatlong babae. Alinsunod sa edad, sila ay sina: Alfonso, Anacleto, Severina, Victoria, Paula, Vicente Jr., Jose, Laureano, at Bonifacio.

Matapos sumiklab ang Rebolusyong Pilipino sa petya Agosto 26, 1896, nahimok ang unang apat na lalaki na sina Alfonso, Anacleto, Vicente Jr., at Jose na umanib sa Katipunan.

Naging matataas na opisyal ng Katipunan ang magkakapatid na Enriquez at pawang masigasig na lumahok sa maraming matitinding labanan.

Nagpamalas ng galing at sigasig si Anacleto sa pagpapalawak ng Katipunan sa Bulakan, Bulacan. Ang unang taguri sa mumunting sangay ng Katipunan sa Bulakan ay “Balangay Uliran”. Kapagdaka’y pinalitan ito ng ngalang “Brigada Pilar” sapagka’t dali-daling sumobra sa   tatlong libo ang mga kasapi. Hindi malaon, pumailalim ito sa Balangay at Sanguniang Apuy ng Malolos, Bulakan.

Mabilis na napabantog sa hanay ng lumalawak na KKK ang tapang at husay ni Anacleto. Ito ay bukod sa kaniyang pagka-asintado sa baril, dahilan kung bakit siya binansagang “Matanglawin”. Dahil sa reputasyong ito, noong Oktubre 20 1896, sa edad na 20, hinirang siyang Heneral at pangalawang pinuno ng Katipunan sa Bulacan ni Heneral Isidoro Torres.  

Inilahad ni Tenyente Jose Enriquez, pangalawa sa bunso,  kung gaano hinangaan ng mga taumbayan ang tapang at galing sa pag-oorganisa ni Anacleto Enriquez   Mapanganib ang atas na ito kay Anacleto, sapagkat ang Katipunan noon ay isang lihim na organisasyon na itinuturing na subersibo ng mga Kastila.. Ang parusa sa pagsapi ay kamatayan.

Nakadagdag sa pang-akit ni Anacleto Enriquez ang kaniyang kakisigan, matipunong pangangatawan, maginoong tikas, magnetikong pagkatao, edukasyong Ateneo, at prominenteng angkan.

Higit sa lahat, magaling sa pampulitikang propaganda si Anacleto. Halimbawa, nagumpisa siya ng isang matagumpay na “kampanyang bulung-bulungan” hinggil sa mga abuso at kalapastanganan ng mga Espanyol, na mabilis na kumalat sa Bulakan, Kasama si Gregorio del Pilar, namudmod din siya ng rebolusyonaryong polyeto sa simbahan ng Bulakan.  Dahil sa mga kabayanihang ito, naging isang alamat si Anacleto Enriquez sa Bulakan, Bulacan.

Si Hen. Anacleto Enriquez at si Hen. Gregorio del Pilar ay mag-kababata at malapit na mag-kaibigan. Sa katunayan, ang lugar kung saan isinilang si del Pilar sa San Jose, Bulakan, Bulacan ay isang bakuran na pagmamay-ari nina Don Vicente at Donya Petrona.

Sampung buwan lang ang agwat ng kanilang kapanganakan: Setyember 26, 1876 si Anacleto at Nobyembre 14, 1875 si Gregorio. Ang palayaw ni Anacleto ay “Etoy” at ang kay Gregorio naman ay “Goyo”.

Kahit sa Ateneo Municipal de Manila sa Intramuros, kung saan sila ay magka-klase, ay nagpatuloy ang pagkakaibigan nina Etoy at Goyo. Kasama sa barkada nila ang nakababatang kapatid ni Etoy na si Vicente Enriquez Jr., na may palayaw na “Enteng”.

Dito marahil nakuha ni Vicente Enriquez Jr. ang tiwala ni Hen. Gregorio del Pilar. Si Vicente ay aakyat sa pagiging Koronel ng Katipunan at pipiliin ni Hen. Gregorio del Pilar bilang kaniyang personal na ayudante o “aide-de-camp”: isang napakalaking responsibilidad.  Isa si Kol. Vicente Enriquez Jr. sa mga kakaunting nakaligtas sa labanan sa Pasong Tirad noong Disyembre 2, 1899.

Sa kaniyang kabayanihan sa Pasong Tirad, sinasabi ng mga mananalaysay na kumuha ng inspirasyon si Hen. Gregorio del Pilar kay Hen. Anacleto Enriquez, na naunang naging rebolusyonaryong martir nang mag-buwis siya ng buhay, kasama ang mahigit walong daang Katipunero, sa madugong labanan sa loob ng simbahan ng San Rafael, Bulakan, noong Nobyembre 30, 1896.

Ayon kay Teodoro M. Kalaw, na sumulat ng isang magandang talambuhay ni Hen Gregorio del Pilar, nang mabalitaan ni Hen. Goyo ang pagkamatay ni Hen. Anacleto Enriquez, siya ay taimtim na nagwika: 

“Ano kaya ang sandata ni Etoy nang siya ay masawi sa labanan?  Para malaman ko kung paano mag-alay ng buhay para sa bayan."

May makapanindig balahibong kuwento ang lolo ko na si Bonifacio Enriquez, ang bunso ng pamilya.

 Noong Nobyembre 30, 1896, nanananghalian sa bahay sina Don Vicente at Donya Petrona. Kasama nila ang dalawang anak na lalaki na hindi lumaban  at ang tatlong anak na babae.

Sa humigit kumulang 12:30 ng tanghali, na siya namang oras ng pagkamatay ni Anacleto Enriquez sa San Rafael, nakita nila ang anino ng isang tila lumilipad na malaking ibon sa kisame ng komedor na parang nagpapaalam. 

Ang anino ay nagpakita nang ilang segundo, pagkatapos ay  lumipad palabas ng komedor sa direksyon ng kanilang salas, at nang kanilang sundan ay lumabas ito sa maluwang na bintana ng salas. 

Pagkatapos ng pangitaing ito, lumuhod at pinagdasal ng pamilya Enriquez ang mahal nilang si Etoy.

 

Tuesday, May 12, 2020

Ten Historical Events That Have Weakened the Communist Party of the Philippines (CPP) and Rendered It Irrelevant



1. The Snap Election Boycott

Boycotting the February 7, 1986 Snap Election isolated the CPP politically. By boycotting the Snap Election, the CPP divorced itself from the broad population, who favored participation. Filipinos saw it as an opportunity to remove Marcos from power peacefully.

The CPP’s ill-conceived clarion call of “Rebolusyon Hindi Eleksyon” certainly did not reflect the mood of the populace, who were convinced that an election could be a vehicle for change, especially in the context of the broad mass movement against President Marcos engendered by public anger over the brazen Aquino assassination.

This isolation was aggravated when CPP led organizations like JAJA (Justice for Aquino Justice for All) failed to seize the initiative in the wake of wanton manipulation of election returns by Marcos’ Comelec, which led to the historic walk-out of its canvassers at the PICC, and which culminated in its shameless proclamation of Marcos as the winner. The CPP’s isolation was complete when, as the EDSA crowd surpassed 2 million, its forces found themselves utterly clueless at the fringes of the multitude.  

The CPP has not yet recovered from this strategic blunder, 34 years from the event. Bayan, the CPP’s legal expression in the electoral front, has not garnered respectable support from the voters.

 2.  The Purges of 1981 to 1989 and Early 90s : Oplan Ahos, Oplan Zombie, Oplan Olympia, Oplan Kadena de Amor, and Oplan Missing Link  

The purges had the effect of sapping the strength of the CPP, both in terms of morale, and perhaps more importantly, the skills of the party cadres lost. As far as cadre skills are concerned, the effect of the purges is very much akin to the cadre skills lost by the CPSU in the 1938 purges, which it paid for dearly during the Second World War.

The interrogation, torture, and executions that characterized the purges generated panic within the CPP and among its supporters. In the chaos, several hundred party members were tortured and/or killed.    The Mindanao party organization, in particular, suffered severe demoralization, disunity and diminution.

In Mindanao, alone, under Operation Zombie and Oplan Ahos, over 1500 cadres were arrested and tortured, and over 800 killed. CPP membership decreased from nine to three thousand; NPA forces declined from fifteen companies and thirty platoons to two companies and seven platoons; and the mass base was cut in half.

Here is a partial inventory for the purges in other regions: Kadena de Amor, Quezon-Bicol Region, 30 dead; Oplan Takipsilim, Southern Quezon, 30 dead; Oplan Missing Link, Southern Tagalog, Quezon Laguna, Cavite, and Batangas, 66 killed; Oplan Olympia, Metro-Manila, 20 killed; and Cagayan Valley Region, 300 killed.

While the CPP was busy decimating its membership, a decisive period in Philippine history was transpiring: the Marcos dictatorship was in the process of rapid decline. Warranted or not, the killings distracted the CPP from giving 100 % attention to this opportune occasion, when it could have improved its political position in anticipation of a Marcos collapse.

This decline   began in 1981 when the Philippine economy met disaster as the US economy went into recession, forcing the Reagan administration to increase interest rates. The Philippines was highly debt dependent, and as export earnings could not keep up with the increased debt servicing, the economy went into decline.

In 1984 and 1985, the worst recession in Philippine history occurred. The economy shrank by 7.3% in these years. The Philippines, already in dire straits, agonized further as foreign capital migrated to Indonesia, Malaysia, and Thailand.  

Add to this economic crisis a succession crisis brought about by reports of Marcos’ deteriorating health. News of Marcos impending death convinces Benigno S. Aquino Jr. to try his luck and come home.  Ninoy’s ensuing assassination generates the tumultuous anti-dictatorship rallies of 1984 and 1985, and the historic EDSA upheaval.

All told, the CPP could have devoted its best energies to riding the crest of this historically unparalleled convergence. Instead, it engulfed itself in a debilitating internal bloodbath whose antecedents could have been handled better.

Instead of frenziedly and haphazardly hunting down, prosecuting, and executing deep penetration agents, in the process killing many innocent cadres, the CPP could have discerned the changing conditions, determined the prospects, and devised appropriate plans and tactics.

The demoralization is hard to quantify, although this writer has talked to quite a few disheartened CPP members. The wastage of cadres is certainly another strategic loss for the CPP, because it takes time to develop the skills and commitment of the cadres lost in the mass liquidations. And think about the opportunity costs: how many prospective cadre-quality activists and allies were dissuaded from joining the CPP upon learning of the purges?   

 3.  The OFW Phenomenon

The option for Filipinos to work abroad to improve their quality of living was never foreseen, much less seriously considered, by the CPP.  The spectre of   worsening economic conditions in the Philippines, something essential to a successful revolution, was standard fare in practically all CPP internal documents and propaganda releases.

The CPP did not anticipate that, assuming its dire projections were true, the Filipino working and middle classes would find a way out of the economic morass: by becoming Overseas Filipino Workers (OFWs). 

Worse for the CPP, overseas employment has considerably enlarged the Filipino middle class, whose reasonably comfortable life have rendered them less predisposed to CPP propaganda.

According to the Family Income and Expenditure Survey (FIES), conducted by the Philippine Statistics Authority (PSA) in 2015, about 2 in every 5 Filipinos (40.2%) belong to the middle-income class.

OFW remittances have enabled Filipinos to buy what matters most in their lives: food, housing, utilities, clothes, and education. Many have set up small businesses, and paid off debts. Many have thronged the malls for leisure and entertainment.    It does not stop there. The money has trickled down to relatives and friends.

In turn, the incomes of the OFWs have sustained the Philippine economy and have prevented it from nosediving particularly during uncertain times. In a big way, OFW remittances are better than foreign aid as an economic booster, because they have no strings attached.    In 2018, OFWs sent home PhP 36.4 billion in remittances, or 11% of total Philippine GDP. It was ranked by the World Bank as the 4th biggest remittance, by country, of migrant laborers in the world.

How does foreign employment lessen the likelihood of a communist victory in the Philippines? It’s a no brainer. Countries with burgeoning middle classes are by and large stable communities, certainly not the social volcanoes that breed communist insurgencies, which the CPP pines for.  

4.  The Survival and Consolidation of the Liberal Democratic EDSA State

After several coup attempts by the Right during the first three years of the Aquino administration, the extra-constitutional removal of Joseph Estrada which fortunately respected the succession order provided by the 1987 Constitution, and one coup attempt by Trillanes et al during the Arroyo administration, the liberal-democratic state ushered in by the EDSA Revolution has weathered it all and has sunk deep institutional roots in Philippine society. It is here to stay.

It has attained a large degree of stability, if we consider the lack of extra-constitutional threats for the greater part of the 9-year Arroyo administration, the entire Aquino III dispensation, and so far under the 4 year-old Duterte government.

The Filipino people, especially those in Metro-Manila, seem to have grown weary of coup d’ etats and people-power inspired movements. At this point in Philippine history, they most certainly would not support a communist bid for power in whatever form.

Against the most ardent wishes of the CPP, the Filipino people have decided to cast their lot with this EDSA installed state. It has been around for 34 years as of this writing, and shows nary a hint of signing off.  On the other hand, the failed post-war republic defined by the 1935 Constitution lasted only 26 years: from July 4, 1946, to September 21, 1972, when it was supplanted by the martial law regime.

5. The Steady Growth of The Philippine Economy Since the EDSA Revolution

The post EDSA Philippine economy has thrived under the Aquino, Ramos, Estrada, Arroyo, Aquino III, and Duterte administrations. It stabilized under Cory, expanded under FVR, grew despite Erap , surged under GMA, expanded under Pinoy, and is booming under Rodrigo Duterte. The splendid performance of the Philippine economy is the key determining factor for the continued failure of the CPP to grab state power.

In the years after EDSA, the Philippine economy had its share of serious trials but otherwise overcame them. It got back on track after the crippling power crisis of the early Nineties. It steadied itself during the wild 2008 Financial Crisis.  Otherwise, it has ignored the occasional hiccups of the world economy, maintaining its health and resilience throughout the process.

Credit agencies like Moody’s , S&P, and Fitch have consistently given the Philippine economy a good credit rating, and the World Bank itself has cited it as “one of the most dynamic economies in the East Asia Pacific region.”

In the six administrations since EDSA, sound economic planning and wise financial policies have always stood the Philippines in good stead. No small credit goes to capable finance department officials, the NEDA, and astute Central Bank governors.  Finally, trade reform, improvements in exported oriented industries, and favorable regional developments have benefited the Philippine economy since EDSA.

The above picture is a great departure from the grim crisis painted by the CPP in its pronouncements, which has been forced ad nauseam on its membership, and on an increasingly incredulous general public.

6. The Fall of Socialism in Eastern Europe, the Collapse of the Soviet Union, and the Implementation of Capitalism by the Chinese Communist Party

The fall of socialism in Eastern Europe and in the Soviet Union, the reunification of Germany, and the unabashed adoption of capitalism in China could not but have had serious negative consequences on the efforts of the CPP to sell its name and political program to the Filipino public, who had been, for decades, unsympathetic to the communist cause to begin with.

Internally, this epic event created doubts in the minds of the CPP leadership and rank and file.  Many questioned the merits of the communist outlook and system, and also its survivability in the long and short term.

Externally, the fall of communism has been nothing less than a PR catastrophe for the CPP. The National Democratic Front 12-Point Program, which does not hide its socialist slant, gradually became a hot potato from the perspective of nationalist businessmen, allies in government, and other middle-class sectors.

Globally, socialism would become passé in the succeeding years, especially in the light of the successful market economies of former socialist countries like Poland, the Slovak Republic, Estonia , Lithuania , Romania and the Czech Republic.

All of a sudden, the allure of communism had been diminished in no small measure, both inside and outside the CPP. Not even the most vigorous rationalizations by the leading cadres, now rendered that much less ideologically self-assured, could stave off the doubts spawned against an erstwhile sacrosanct ideology.

7.  The Persistence of Capitalism Worldwide

Capitalism is an economic system in which the means of production of goods and services are privately owned and operated for a profit. The important elements of capitalism are private property, capital accumulation, wage labor, voluntary exchange of goods and services, a price system for goods and services, and competitive markets.

Capitalism emerged in Florence, Italy in the form of mercantilism in the early 15th century, and as agrarian capitalism in England and the Netherlands in the 16th to 17th centuries. Capitalism then took the form of the laissez-faire economic system in Western Europe and America in the mid-18th century, when it was popularized by Adam Smith through his book The Wealth of Nations. Laissez-faire advocated minimum governmental interference in the economic affairs of society, which for its time consisted generally of small shops called guilds.

In the 19th century capitalism matured into the Industrial Revolution, which began in England, when the small shops gave way to large factories, ushering in the era of large-scale production using heavy machinery and the massive hiring of laborers.

Capitalism would become a global system in the 20th century, and would take the form of imperialism, whereby the capitalist countries of Western Europe and the United States acquired colonial possessions in Asia and Africa.

However, capitalism would, in the 20th century, come under serious challenge by Marxist socialism, whose centrally planned economies would be established in in such countries as Russia, China, Vietnam, Korea, Laos, and Cambodia.  Internally, capitalism would be threatened by the Great Depression, which generated a lot of critics who questioned its viability.

The Great Depression would be solved and ended by WW2. In yet another stage of the evolution of capitalism, now guided by Keynesianism, the United States emerged, after the war, as the leading industrial and military superpower, a status it still holds today.

In the Fifties and Sixties, new analytical tools from the academe were expounded to explain the social and economic trends set by capitalism, including the concepts of the post-industrial society, and the welfare state.

In the Seventies, after the 1973 oil crisis which caused a "stagflation," many economists like Friedrich Hayek and Milton Friedman began to formulate market-inspired policy prescriptions inspired by the laissez-faire and classical capitalism of the 19th century.

They espoused a theoretical substitute to Keynesianism which emphasized rapid expansion of the economy using the energy of the market. Market-oriented solutions gained increasing support in the capitalist world, especially under leadership of Ronald Reagan in the U.S. and Margaret Thatcher in the UK in the 1980s.

In the last decade of the 20th century, (as mentioned earlier) capitalism would be vindicated with the collapse of the socialist countries of Eastern Europe and the Soviet Union, which became, overnight, fully fledged capitalist economies.

Earlier, in the mid-Seventies, China would take the first steps towards a large capitalist economic sector with the expansion of private ownership and the use of “market economics” under the   post-Mao administration of Deng Hsiao Ping. Thus we have “Socialism with Chinese Characteristics”, a thinly veiled euphemism for Chinese capitalism.

Despite the trials and criticisms, capitalism would enter the stage of the 21st century as the preeminent economic and financial system of a now globalized world. Most of the nation-states of the intensely interconnected world are capitalist in one version or another, and the global economy is of necessity capitalist.  Capitalism has persisted.

8. The Endurance of Liberal Democracy Worldwide

In the face of unending dangers to liberal democratic systems worldwide, liberal democratic countries continue to grow in number.  For instance, Armenia, Gambia, Malaysia, Myanmar and Tunisia, which did not qualify as democracies just a few years ago, are now thriving representative republics.

The fact is that there are more people today who participate in peaceful elections than in armed revolutions, and more people today live in democratic polities than 40 years ago. And while it has been a slow process, gender equality in government and industry has never been more real than it is now.

We are inspired to read news of activists demanding for democracy in such authoritarian states as Algeria, Hong Kong and Sudan. In democratic countries, meanwhile, citizens have launched movements for increased representation, clean government, accountability, and a better life.  This democratic wave that is occurring around the world bodes well for the future of mankind.

Concern has been growing for the past several years about the future of democracy, and there is considerable dissatisfaction in many countries with how democracy is working in practice. Despite considerable dissatisfaction in not a few countries, popular support for liberal democracy has remained strong. Consider the following data.

According to the Center for Systemic Peace’s Polity IV dataset,  as of the end of 2017, 96 out of 167 countries with populations of at least 500,000 (57%) were democracies of one kind or other, and just 21 (13%) were dictatorships.

Moreover, Polity says nearly four dozen other countries showed elements of both democracy and autocracy. Generally speaking, the portion of democracies among the world’s governments (58% in 2016) has been increasing since the mid-1970s, and is very near its post-World War II high.

In 2017, 33 countries were considered fully consolidated democracies, with a Polity rating of +10. The peak postwar year for consolidated democracies was 2006, when there were 35; since then, two (Belgium and the United States) have slipped from the top tier.

9.  The Continued Veneration of the US by Most Filipinos

The CPP has consistently pointed to the US, or “US imperialism” as the root cause of Philippine poverty and underdevelopment. According to CPP orthodoxy, this poverty and underdevelopment is perpetuated when US imperialism extracts “cheap” Philippine raw materials and hires “cheap” Filipino labor, while making the country a market for its manufactured products.

The Philippine government composed of “bureaucrat capitalists,” on the one hand, and the local “ruling classes” of landlords, on the other, are allies or tools of US imperialism, in maintaining this state of affairs.

In this scheme of things, so the CPP’s argument goes, feudalism exists side-by-side with a small manufacturing sector which processes the raw materials, an arrangement which it calls “semi-feudal”, while US imperialism exercises control over a nominally independent Philippine government, a circumstance which the CPP calls “semi-colonial.”

The solution to the above problem, prescribes the CPP, is to overthrow US imperialism and its local allies through an armed and protracted “national-democratic revolution”. This victory will then usher in a “national-democratic” government which will implement a comprehensive program of “nationalist industrialization” which will solve, once and for all, poverty and underdevelopment in the Philippines.

The main target, therefore, of the revolution which the CPP is leading, is US imperialism, because it is the US which is the cause of the Filipino people’s never-ending destitution, and it is the US which preserves and sustains the government that is this system’s caretaker.

In its internal writings and propaganda, consequently, the CPP has, ad nauseam, harped on US imperialism as the enemy of the Filipino people, the root cause if you will, which must be the object of their unrelenting hatred and scorn.

More to the point, the CPP believes that it cannot successfully “arouse and mobilize” the Filipino people if it does not appeal to their innate abhorrence for the US.  Only by raising the anti-US imperialism banner, it has repeatedly declared, will it be able to recruit the rural folk into the New People’s Army, and make them participate in the “mass movement” in Metro- Manila and other urban areas in the country.

Apparently, the CPP is not feeling the pulse of the Filipino people, whose genuine interests or what it calls “the mass line” they so earnestly profess to uphold.

Contrary to what it feels and sees as an anti-US sentiment being held by Filipinos, the exact reverse is true:  Filipinos love the US, venerate American culture, and long to live in America. 

The relationship between the United States and the Philippines has historically been strong and has been described as a “Special Relationship.” The Philippines is one of the oldest Asian partners of the U.S. and a strategically major non-NATO ally.

In a recent surveys, the United States was consistently ranked as one of the Filipinos’ favorite nations in the world, with 90% of Filipinos viewing the U.S. favorably, and 91% viewing Americans positively in 2002, 90% viewing U.S. influence positively in 2011, 85% of Filipinos viewing the U.S. and Americans favorably in 2013, 92% viewing the U.S. favorably in 2015, and 94% having confidence in former United States president Barack Obama. The Philippines is the most pro-American country in the world.

No wonder then, that raising the anti-US imperialism banner in such a pro American environment has gotten the CPP and its legal organizations like Bayan, LFS, and Gabriela nowhere. I, for one, looking back to my student activist days, can recall that it was my hatred for the Marcos dictatorship which drew me into the anti-martial law movement, and not my resentment for America, which came later when I was conditioned by the CPP.

10. The Split Between “Reaffirmists” and “Rejectionists” and the Resultant Disintegration of the CPP

The “Second Great Rectification Movement”, otherwise known as the split between “Reaffirmists” and “Rejectionists” within the CPP refers to a 1992 ideological campaign initiated by the leadership of the CPP wherein an effort was made to "identify, repudiate and rectify the errors of urban insurrectionism, premature big formations of the New People's Army and anti-infiltration hysteria".

"Reaffirm our Basic Principles and Rectify Errors" dated December 26, 1991, was a document written by Jose Maria Sison to coincide with the CPP's 23rd founding anniversary. It is the launching document of the “Second Great Rectification Movement.”  It precipitated a huge gulf within the CPP; those who agreed with it were thereafter called "reaffirmists", and those who disagreed were categorized as "rejectionists". The "rejectionists" considered the “reaffirmists” as "counter-revolutionaries".

Eventually, the rectification movement resulted in the erstwhile cohesive and united CPP disintegrating into at least eight contending factions in the entire Nineties. Suffice it to say that this fragmentation has damaged, perhaps fatally, the once monolithic CPP. It is the main organizational reason for the strategic decline of the CPP.

Luis Jalandoni,  a former  negotiator for the CPP clone National Democratic Front of the Philippines (NDF), has attributed the CPP’s decline not to the fragmentation set in motion by the ideological clean up, but to betrayal within the CPP. He declared that    from 1985 until 1991, a “renegade group within the party leadership of the CPP was responsible for major errors that caused serious losses in the revolution's mass base.” In short, not only were these elements renegades, they also committed monumental blunders. In one fell swoop, Jalandoni declared a part of the CPP leadership as traitors, and attributed the CPP’s woes to these elements.  

These errors, averred Jalandoni, included the carrying out of a program to eradicate infiltrators which was called “Kampanyang Ahos” and the “adoption of an erroneous political line brought about by modern revisionism.”  The loss in mass base was estimated by Jalandoni to have been 50%-60% in Mindanao alone. The "Second Great Rectification Movement" was meant to correct these errors, declared Jalandoni.

It is not for this blog to delve into the respective merits of the Reaffirmist and Rejectionist  factions, let alone explore the nuances of this esoteric ideological debate within the now multi-factional Philippine communist movement.

Suffice it to say that we are now witness to a movement that was enviably on the cusp of snatching state power three decades and a half ago, but is now forlornly in disarray and rendered irrelevant. But then the history of Philippine social movements (including the Philippine Revolution of 1896)  abounds with stories of betrayal, factionalism, intrigue, defeat, and capitulation. The CPP seems to be no different from the rest.